Ayos na sana ang araw ko ngayon, tagumpay na sana, ang buong akala ko eh limot ko na kaso
6:30 am nagising ng maingay na alarm
7:00 am kumain ng almusal
8:00 am nasa loob ng FX papasok ng opis. Shet! Ang hirap ng may sounds na love song sa FX na-alala ko na naman siya! Di bale, malamang ngayon lang to dahil may love song na background.
(Kung pede lang sanang sabihan si Manong Driver na ilipat sa NU 107 ang radio niya or di kaya mas maganda ilagay na lang nya sa AM dun sa DZRH o di kaya sa DZXL Radio Balita!)
9:00 am Nasa opis na, sa halip na magbulatlat ng corporate mail, blog ang inatupag, nagposts ng pictures.
9:30 am Kausap ang mga manlilibre sa akin bukas, ay KKB nga pala yun. Pero open pa din naman ako sa libre eh, so kung sakaling magbago utak nila ok lang sa akin.
10:00 am Back to work.
12:00 nn Lunch
1:30 pm Back to work
4:00 pm @$%#*!!! Pakshet!!!! Siya ulet!!! Ayoko na! Tangna!
Totoo yung sinasabi ni Coelho na parang narcotic daw yun, palagi mong hinahanap hanap. Bilib din ako sa matandang negrong yon, magaling siyang magsulat at higit sa lahat totoo yung mga sinasabi niya at ang masaklap pa eh nangyayari ang mga yun sa akin! Ampotaness! Kahindik-hindik na pangitain ang nababanaag ko pag nakikita ko ang libro niyang By The River Piedra.
4:10 pm Publish ang effin na entry na to habang laman pa din sya ng utak ko.
After 30 mins Malamang kumakain na ako ng turon. (Na-alala ko tuloy yung usapan namin sa turon)
After 1 hour and so on and so forth Malamang sya pa din laman ng utak ko, alas-5 na kasi! Ang oras na kina-iinisan ko. Yung walang ginagawa kundi mag-emote ng mag-emote hanggang mapagod ang utak kaka-iisip kung bakit magkatunog ang Alphabet Song at ang Twinkle Twinkle Little Star. Sa anong dahilan at bakit pareho sila ng tono, pareho ba sila ng composer? At sa anong dahilan at susubukan o di kaya ay sinubukan mong kantahin ito?