|
|
 |
Monday, March 06, 2006
“Henaku, maniwala ka sa akin na may nakatakda talaga sa atin, ikaw na din ang nagsabi na ‘patience is a virtue’, tsaka baka hindi pa siguro ngayon ang right place at right time”
Tumawa ako sa sinabi niyang yun, at sinagot ko siya.
“Henaku ka din! Kung totoo yang sinasabi mong bawat isa ay may katuwang, paano kung yung sinasabi mong katuwang ko eh nasa kabilang dako ng planetang earth? And poryor information, hindi ako katulad ni Magellan na kayang ikutin ang mundo para lang patayin ni Lapu-lapu, pero I believe in parallel universe ha ha ha”
Napa-iling siya. “Tsk! Tsk! Tsk! Ang hirap sa iyo, magaling kang magbigay ng advice kaya nahihirapan akong makahanap ng magandang i-papayo sau, palagi kang nakaka-isip ng ilulusot, tara na nga, kanina pa ako naglalaway sa turon ni manang.”
Naglakad kami papuntang bilihan ng turon. Sakto, may mga bagong luto, sarap neto, di na baleng magka-hepa masarap naman he he he. Masarap na pakner nito eh malamig na coke na punum-puno ng yelo.
“Loyalty!”, sabi niyang nakangiti habang kami naglalakad pabalik. “Huh? Loyalty?”, tanong ko. “Di ba may tindahan din ng turon diyan sa may malapit? Bakit ayaw mo dun?”, sabi niya. “Ah.. he he he.. mas masarap ang turon dito noh tsaka suki na ko dun at higit sa lahat mas mababa ang porsyento na magkahepa ka dito ha ha ha.”
Pareho kaming natawa sa nasabi kong yun.
“…loyalty”, sabi niya ulet. “Ngek! May bilihan din ng turon sa opis. Masarap din dun, may halo pang langka”, sabi ko. “Ilan ang bilihan ng turon sa opis nyo?”, tanong niya ulet. “Tatlo, pero the best yung may langka! Mas mahal nga lang”, sagot ko. “Kitams? Sabi ko nga, loyalty”, sagot niya ulet.
Hindi na ko umimik. Malapit na kami sa bahay ng nagsalita siya ulet.
“Alam mo ba ang definition ng loyalty?”, tanong niya. “Oo, commitment, yung tipong dun ka lang, loyal, sinusubukan mo vocabulary skills ko ah”, sagot ko.
Paakyat na kami ng sumagot siya sa akin.
“Tama ka, commitment. Galing mo ha ha ha, isang advice…. don’t overuse it. Hindi masama na mag-stick ka kay manang sa pagbili ng turon pero pramis kapag nagsawa si manang sa pagtitinda o di kaya lumipat siya pwesto, ikaw ang kawawa, baka mahirapan kang mag-adjust”
Posted at 08:22 am by lukin
Permalink
Sunday, March 05, 2006
Kamusta ka na kaya? Ako? Hmnn, sasabihin ko sanang ok ako kaso magmumukha akong engot nun at pati sarili ko ay pinagsisinungalingan ko, indi ako ok, oo.. pramis! Mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng nakagawa ako ng isang bagay na pinagsisisihan ko in some ways at hindi ko rin naman pinanghihinayanagan in some ways. Kasama ko yung close friend ko sa pagbili nun, kaya alam niya yung price he he he.. niloloko nga ako nung kumag na yun na magtira daw ako para sa kanya he he he..
Kagaya ng kwentuhan namin ni Pareng Kupido noong nakaraan, I almost forgot how it feels to be hurt and be happy at the same time. Ikaw ang nagpa-alala sa akin nun… teka, wag ka magalit at mas lalong wag kang matampo, nasabi ko lang naman. Sana hindi mo binabasa to at baka makadagdag lang sa mga isipin mo. Nasabi ko na naman sa iyo na ang blog na to eh labasan ko ng utot at mga problema he he he.
Marahil yung salitang ‘kamusta’ na galing sa akin ay parang balewala sa iyo pero ok lang yun, ako pa. At alam ko din na kung yung salitang ‘kamusta’ ay galing sa kanya, malamang na magrereply ka agad sa kanya, baka nobela pa yung reply mo para lang sa katagang yun (parang ako noong nag-mail ako sau ng mala-nobelang e-mail), wag kang mag-alala dahil alam ko naman yun. Alam ko yung pakiramdam ng binabale-wala, masakit yun at sana nga eh pansinin ka naman niya o di kaya kamustahin man lang niya.
Pero alam mo, ngayon ko lang naintindihan kung bakit indi ka na nagpaparamdam sa akin. Salamat sa pagpapa-alala sa akin na dapat ay limutin na kita. Na hindi tayo para sa isa’t-isa, na hindi ako katulad niya, na mahal mo pa din siya, na hanggang ngayon ay na-alala mo pa din siya. Ok lang yun! Ako pa!
Posted at 10:58 am by lukin
Permalink
Friday, March 03, 2006
Noong unang lumabas ang friendster na yan o sabihin na lang natin na noong una kong madiskubre ang friendster na yan, taong 2003 ata yun, eh tuwang-tuwa pa ako. Paramihan ng pipol sa friendslist, padamihan ng testi! Post ng post sa bulletin board. Tapos nakakatuwa pa dahil pwede ka mag-upload ng picture mo. At ang the best dyan eh makikita mo yung kaibigan ng kaibigan ng kaibigan mo na kaibigan mo din pala! The best na pedeng paghanapan ng mga may utang sa iyo na magpasahanggang ngayon eh hindi ka pa binabayaran.
Nakakawili ang friendster noong una ko talaga ito magamit. Halos oras-oras eh binunuksan ko sya, naghahanap ng kaibigan ng kaibigan mo tapos pag nagustuhan mo siya eh itatanong mo sa kaibigan mo o di kaya i-add mo siya. Tapos siguro eh 70% eh i-add ka din niya dahil nga sa uso pa noon ang padamihan ng friendslist. Nauso nga yung sa friendster eh may isang account na organization talaga siya, tapos exclusive members lang yung ina-accept.
After 1 ½ years eh medyo tumigil ang pagkahumaling ko sa friendster na yan, nawili ako sa blogging, kapag may incoming testi or friends request ako eh halos mabulok na yung request bago ko i-accept at halos isumpa na ako nung taong nag-request sa tagal ng aking pag-accept.
Hanggang last year eh ganun pa din ako sa paggamit ng friendster na yan. Muntik ko na makalimutan yung password ko, not until somebody asks me if I had an account. That very day muling nagbalik ang eagerness ko sa pagbukas-sara sa friendster na yan.
Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako interesado sa kung ilan ang nasa friendslist ko, hindi ako interesado sa kung may testi ba ako o wala, I’m more inclined on clicking on that particular profile, just to get a glimpse at her, just to know if she’s doing alright, just to know what’s new with her. Wakangyan! Napa-english na naman ako!
I know she doesn’t know na isa ako sa mga araw-araw na tumutingin sa profile nya. And it hurts me to think if she ever had at least a time to have a second look at mine. A friend of mine once asks me why I haven’t mention her in my blog. As much as I wanted, gusto ko syang ilagay dito kasi almost every hour eh na-iisip ko siya… but it was too complicated…tama na siguro yung malaman niya na sa bawat araw na nagdadaan eh may sumisilip sa profile niya, tama na siguro yung malaman nyang mag-reset man sa zero ang profile views nya ay siguradong magkakaroon ulet ng count yun at isa ako sa pangunahing dahilan kung bakit. At tama na din siguro na malaman nyang sa araw na ito ay siya ang dahilan kung baket nakadalawang entry ako sa blog na ito…
Posted at 03:42 pm by lukin
Permalink
Wat has layp 2 oper mi wen I grow old? Yeah! We rili r neks in layn.
Biyernes na naman at weekend na naman, lumalapit ng lumalapit ang buwan ng Abril sa aking pamamalagi dito sa mundong ibabaw at sa ayaw ko at sa hindi ay itinakda ng panahon na madadagdagan na naman ako ng isang taon, na ipinagpapasamat ko naman.
Madaming naganap sa akin last year, isa na nga doon ang kalapastangang ginawa ng mga dalubhasa sa aking pagkatao he he he, pero ako’y nagpapasalamat sa kanila sapagkat pinagaling nila ako. Dalawang operasyon ang naganap last yir at ayoko ng i-elaborate (tek not lang sa mga indi nakaka-alam, indi ako nanggaling ng mental ospital, sa Makati Med lahat naganap). Middle of last yir din noong nakasalubong ko ulet si kupido. At kagaya ng nangyari sa akin ng taong ito eh dispalinghado pa din siya kung pumuntirya ng biktima, dapat talaga sa kanya eh isabak sa gyera sa Mindanao para mahasa ang kanyang sharp shooting skills. Magaling pa sa kanya yung mga uhugin kong kalaro noon ng tumbang preso.
This yir, masaya naman ako sa kabila ng walang pera dahil healthy naman ako, walang sakit na di gaya last yir. Napakasenti ang start ng taon na ito para sa akin, Enero dis yir kasi noong napagtripan na naman ako ni cupid at gaya nga ng inaasahan ko, tanga pa din siya pero nagka-ayos na kami, at January din noong medyo di kami gaano nagka-intindihan ni mader pero naayos din naman agad. Nitong buwan ng pebrero ay sobrang roler coster ang takbo ng lablayp ko (aba! Oo naman, sa edad kong to, may lablayp pa din naman ako, indi ata ako papatalo ke madam Auring at ke Lola Idad na kapitbahay namin).
Nitong taon din na ito medyo dumami ang mga ka-blag ko, ayoko na i-mention at mahirap gumawa ng links, tutal nasa side bar na naman kayo eh he he he. At syempre kasama na dun yung mga iba pang dumaadaan sa turf ko na wala sa link dahil nga sa ala sila blag. Plano ko sana magpalit ulet ng blog kaso mahirap maglipat ng tahanan, kaya sa halip na magpalit eh dinagdagan ko na lang ng mga abubot. Meron na siyang togtog at pede nyo din idownload yung togtog kung trip nyo, wag kau mag-alala dahil virus free naman yan.
Sa totoo lang, medyo masama ang loob ko sa mga nangyayari sa akin, basta sa madaming dahilan. Kumbaket kasi ipinanganak ako ng walang lakas ng loob o sabihin na nating walang bilib sa sarili, pero bilib ako na cute ako kasi lagi ko ngang naririnig yan. Sa physical na kaanyuan eh wala naman akong problema maliban sa panget kong buhok na animo’y buhok sa kili-kili kung humaba at sa maitim na kayumanggi kong balat.
Sa sitwasyon ko ngayon, parang gusto kong tumigil na lang ang oras, mag-freeze ng limang dekada, natatakot ako sa mga maari pang mangyari sa aking hinaharap (wag bastos! Ibang harapan yung tinutukoy ko dito. I’m talking about my future here he he he). Kumpede lang sanang batakin papalayo ang buwan ng Abril, kumpede lang sanang bumalik sa panahon ni Tita Cory, kumpede lang sana ulitin bawat sandali, mundo’y umikot pabalik, mahagkan ka’t mayakap pang muli.. he he he, kanta ata yun?
Ate Star kung nababasa mo to, u might have an idea where it came from hek hek hek. .…iisa lang ang puso ko pero andami ko nararamdaman. Nag-aalala ako kapag hindi mo ako tinatawagan, natatakot ako na hindi mo ako magustuhan, nasasaktan akong isipin na pinaglalaruan mo lang ako at ayaw mo sa akin…. Kung pagmamahal nga ito, napakahirap pala at parang ayoko ng magmahal, pero hindi ko alam kung pano lalayo sa’yo. Gusto kita pero hindi ako sigurado sa nararamdaman mo sa akin.
Posted at 09:04 am by lukin
Permalink
Thursday, March 02, 2006
Got some things to do today. So I decided to extract some lines from my previous entries. Kung depress ka, I suggest you not to read the lines below. Pero alam ko din naman na matigas ang ulo mo kaya sige, magpakasasa ka he he he.
Contestant No. 1 : Mas pinili kong naunang umalis..dahil natatakot akong baka di mo ako lingunin. Di ko ata yun makakaya...
Contestant No. 1 ulet : May isang bagay akong natutunan sa pag-ibig, ANG LUMAKAD PABALIK SA MINAMAHAL MO pero mahirap palang gawin…
Contestant No. 1 (siya na naman) : Kung pwede sana...wag kang masyadong maging mabait sa akin...kapag ginawa mo yun...lalo akong humihina..
Sorry sa tinamaan at matatamaan pa lang ha ha ha. Ala lang, basta gusto ko sumaya ngayong araw na ito.
TTFN (ta-ta-for-now) LXG reigns!!! hak hak hak! (namimiss ko na mga ka-guild ko amfs!)
Posted at 09:51 am by lukin
Permalink
Wednesday, March 01, 2006

Yung letter dyan eh love letter ata ng yumao kong grandpa sa grandma ko. Ala lang, nakakatuwa kasi siya. Binigay ni grandma yan ke sanpits tapos hiniram ko naman ke sanpits, sabi ko posts ko dito. Nagmana ata ako sa lolo ko hehehe. Panget magsulat pero may dating! ha ha ha (*ang kumontra mumultuhin ni grandpa*)
Posted at 05:36 pm by lukin
Permalink
Nothing much to say today so I decided to continue my book he he he. Heto na yung part 4 he he he.
Chapter 4 : Love And Friendship
As for Chapters 1 to 3 yan.. I suggest you not to read it dahil nuknukan ng kahabaan tsaka, basta wag niyo ng ituloy para niyo ng awa.
Chapter 1 : One Day In Your Life Chapter 2 : The Journey Of Life That I Have To Travel Chapter 3 : A New Beginning
Ash Wednesday ngayon at gusto kong magkawang-gawa ha ha ha, meron akong nabisitang blog kahapon kaso nakalimutan ko yung link, kainis! Na-close ko kasi yung browser. Heniwei, gagayahin ko siya, na sa bawat comment sa entry kong ito ay maghuhulog ako ng piso para sa ‘pondo ng pinoy’. O hayan he he he…comment na kayo! para na din kayong nagkawang-gawa ha ha ha. Doble pa! May hit points ako tas may piso pa he he he.. ciao muna..
Posted at 09:21 am by lukin
Permalink
Tuesday, February 28, 2006
Galing ako church kanina, nag-kompess lang he he he. Ash Wednesday na tomorrow eh, baka bigla akong maging abo kung indi ako mag-kompes he he he, kaya yung mga indi pa nagkokompes dyan magkompes na kau.
Katuwa yung nangyari kanina sa akin sa confession room, nakahanda na lahat ng sasabihin ko kay father ng bigla niyang sabihin na kumpede daw eh i-translate ko sa English yung sasabihin ko. Grabe! Ala akong baon na English kanina, as in nagkandapulu-pulupot ang mahaba kong dila. Tapos tinanong niya kung siya daw yung pinag-confessan ko last month. Eto sagot ko.
“No father, it was another father, father.”
Grabe, nangiti ako sa loob loob ko, ang bobo ko talaga sa English. Pede ko naman sabihin "it was another priest". But aside from that, magaling siya, ang galing galing niya mag-advice. Nakakagaan at nakaka-inspire ang mga sinabi niya sa akin, alang sinabi yung usapan namin ni Cupid.
TTFN (ta-ta-for-now).
Posted at 03:08 pm by lukin
Permalink
Mahalin mo naman siya, kahit kunwari lang.
Oi! Kamusta? Long time ah, ibang klase ka din ano, tatawag ka lang pag me kelangan ka ha ha ha. Ha?!!! Ano? Naman… siya na naman ba pag-uusapan natin. Kung nakamamatay lang yang topic na yan, matagal na akong nangingisay dito.
Oo naman tanda ko pa siya, nilagay mo nga sa wallet mo yung balat ng kendi na binigay niya sa iyo, tawa nga ako ng tawa sa iyo noon eh, akala ko tuloy kukulamin mo sya ha ha ha. Tapos naalala mo pa ba sa skul dati? Na sa inaraw-araw na ipinasok mo eh wish mo na palaging naka-alphabetically arrange ang sitting arrangement natin kasi nga magkalapit ang apelyido ninyo. Pareho kayong "S", ako kasi eh "R", tapos ang daming "R" sa room noon kaya palagi akong nakapwesto sa likod niyo. Kitang-kita ko tuloy kung paano ka kiligin ha ha ha, ansagwa ha ha ha. Tapos parang nalantang gumamela ang mukha mo pag absent siya ha ha ha (ampanget mo pag nakasimangot ka, pramis! ha ha ha!)
Napapangiti nga ako na parang baliw pag nakikita kong kinikilig ka sa tuwing sasabihin ng titser na "Pass the paper to the right" kasi nga eh nasa rightmost ka at kinikilig ka kasi magkahalikan yung papel niyo, ang korni mo ah. Tapos di ba, ayaw na ayaw mo ng kwek-kwek? Tapos nung inaya ka niya eh daig mo pa ang taong indi nakakain ng isang linggo at sarap na sarap ka sa offer niya. Akala ko nga di mo na lulunukin yung binigay niya sa iyo, baka kako plano mo din ilagay sa wallet mo yung lalagyan. "Sira!", sabi mo pa nga sa akin.
Eto pa, di ba nalaman mong type niya yung klasm8 natin na nasa front row, at nalaman mo din na plano niyang ligawan yun at sa iyo pa humingi ng payo kung ano magandang gawin. Ka-awa-awa ka nga nun eh, iyak ka ng iyak, indi nga kita maiwan at baka maka-isip ka ng bagay na indi maganda. Nanlalagkit yung damit ko sa magkahalong luha at sipon mo noon, kadiri ka nga eh he he he.
After 5 years, graduate na tayo, ala ka ng balita sa kanya, tapos eto tumawag ka sa akin para lang sabihin na nakita mo sa frenster yung profile nya. Hmnn.. oo nga noh, mas naging pogi sya ngayon, astig pa din ang buhok, bahagya pa din nakatakip sa kanyang maamong mukha, F4 na F4 ha ha ha. Ngek! At magkalapit lang pala office nyo, tingnan mo nga naman ang tadhana. Dali mag-send ka ng request to add tapos message ka agad sa kanya, sabihin mo, "andito pa din sa wallet ko yung balat ng kendi tsaka nalalasahan ko pa din yung kwek-kwek" ha ha ha..
Ha? Ano kamo? May kasama siya sa picture? Ngi! Teka, tsek mo mabuti baka naman ate niya yan o di kaya katropa lang, tsek mo yung status para mas sure….
Oi… andyan ka pa… huy! Ano na nangyari sau… bat tumahimik ka… may GF na sya? Anu ba yan, hanggang ngayon pala nasasaktan ka pa din niya… kawawa ka naman.. sa loob pala ng limang taon eh siya pa din iniisip mo… hanggang ngayon eh napapa-iyak ka pa din niya… dyan ka lang pupuntahan kita, ibibili kita ng kendi tsaka kwek-kwek he he he.. teka, I'll be there in a minute..
….kung alam mo lang na sa bawat pagpatak ng luha mo ay parang karayom na tumutusok sa dibdib ko, na sa tuwing nalulungkot ka ay nalulungkot din ako, na sana eh naging kendi na lang ako noong araw na yun para lagi akong laman ng pitaka mo, sabihin na nating hanggang bulsa lang ako pero masaya na ako at lagi kitang kasama.. na mas malapit kesa sa sitting arrangement sa skul ....kung pwede ko nga lang sana sabihin sa kanyang mahalin ka niya kahit kunwari lang…. kahit sandali lang... dadating na ako…dyan ka lang.
Reaksyon sa sinulat : Ang talata sa taas ay isang kathang-isip lamang na pede ulet mangyari sa kasalukuyang panahon. Ang sarap magsulat kapag ***** ha ha ha. Eto lang maipapayo ko, tulad ng sabi ni Idol Luis, "some things are worth the wait". 
Posted at 09:14 am by lukin
Permalink
Monday, February 27, 2006
Nasira ang porma ko ngayong Monday, para akong pinagsamantalahan ng labindalawang kabayo. Nagulo ang ayos ng maiksi kong buhok, napalitan ng pawis ang aking pabango. Dahilan? Well, nakalimutan ko lang naman dalhin yung hiniram kong laptop. Kaya pala pagpasok ko kanina, pakiramdam ko ay may kulang. Grabe, antindi ng memory gap ko, anlupet!
Pagbalik ko ng bahay, sermon si mader he he he, kelangan ko na din daw gumamit ng Enervon Prime, tapos bago ako umalis eh nagremind pa ang pinsan ko, “O! kuya! Baka nakalimutan mo din magsuot ng brief! Check mo mabuti ha ha ha!”. Hek hek hek, bruha din yung babaeng yun.
Naglalakad ako papuntang sakayan ng tricycle ng mamukhaan ako ni Manong Driver “Ngi! Suki! Ha ha ha! Kakahatid ko lang kanina sa iyo ah?”, sabi niya. “Oo nga eh, nakalimutan ko kasing magsuot ng brief kaya ako bumalik”, biro ko. Tawanan na lang kami..(galing magbigay ng punch line si sanpits!)
Pagdating ko naman sa pilahan ng FX, as usual maiksi ang pila, totoo ngang ako na lang ang pulubeng naghihirap na pumila sa pilahan, ang dati kong mga kasabayan eh naka-taxi na at malamang yung iba eh may sari-sarili ng kotse. Malapit ng mapuno yung Fx, isa na lang at aalis na, ibig sabihin nun, ako na lang ang hinihintay. At sa awa ng langit eh indi ko nakasabay yung supladitang matangkad na seksing panget na babae na kasabay ko noong nakaraan he he he, apat kami sa gitna, and believe me, para akong dilis na isiniksik sa nag-uumpugang balyena ha ha ha (no offense po, natutuwa lang ako).
Natatawa nga yung mga balyena kong katabi este mga katabi kong chubby dahil alam nila na ka-awa-awa ako, as in! Dalawang beses ata ng macho kong katawan ang katumbas nung isa, nagawa pa nga nung isa na magbiro eh, “Ok ka pa?”, sabi niya. “Ok lang ho, bibigyan naman siguro ako ni Manong ng discount, upong limang piso lang to eh he he he”, biro ko din. Tawanan na lang kami sa loob samantalang parang tuod lang si Manong Driver he he he, iniisip siguro nun na baka nga 5 pesos lang bibigay ko sa kanya. Wahehehe.. KJ si manong!
Excerpt from Spiderman 2 Peter : Mj, in case we die... Mj : You do love me... Peter : Yes I do. Mj : Eventhough you said you didn't? Peter : ... (nodded)
Posted at 11:00 am by lukin
Permalink
|