|
Lately, my favorite time of the day is when I wake up until such time na kakain kami ng lunch, usually around 6am to 12 noon. Tapos hate ko naman yung time from 5pm until such time na makatulog ako na madalas nanganak na ang lahat ng tupang binibilang ko eh indi pa din ako makatulog, dilat na dilat pa din ang aking mga mata. Basta pinaka-ayaw ko eh dumating yung gabi, napakahirap talagang matulog, ala naman akong insomnia basta ang dami ko lang talagang iniisip at isa na nga doon kung totoo bang nauna ang itlog sa manok? At madalas pa akong binabagabag kumbaket malaki ang sapatos ni Ronald Mc Donald, pedeng-pede talaga yung gawing fly swatter at ihampas ke jolibee. Kidding aside, kasi nga eh kid pa din ako, andami ko talaga iniisip. Wish ko lang sana eh makapulot ako ng bote na may genie sa loob at bigyan ako ng kahilingan. Akin na lang yung mga wishes na yun. Wag nyo akong pilitin na sabihin kong anu-ano yun dahil hindi naman kayo kasama sa mga i-wiwish ko he he he (Shellfish ata to). Hay.. sana kayanin ko pa ang mga susunod na trials na bubulaga sa aking harapan. At kung sakaling hindi na, mag-comment lang dito ang gustong sumama sa akin para umakyat sa billboard ni Heart Evangelista, aakyat tayo doon at check natin kung totoo nga yung law of inertia at Newton's law of gravity na pinag-aralan natin sa physics noong high school pa tayo. Walang tulakan ah, basta mauna kang tumalon, para ma-check ko na din kung totoo ngang matagal mamatay ang masamang damo. P.S. Ang sarap palang magbasa ng senti na entry pag madrama ang togtog ha ha ha, parang ansarap magpatiwakal ha ha ha. (oi! wag nyo gagawin yun bad yun) |
| malaine March 8, 2006 08:54 PM PST bakit kasi dami mong iniisip. huwag mong alalahanin ang future kasi hindi mo alam wala ka na palang future.hehehe. alalahanin mo ang bukas. tapos. siguro makatulog ka na ng mahimbing nyan. | ||
| trish March 8, 2006 08:37 AM PST sabi ng mga matatanda pag hindi ka daw makatulog it means may umiisip sau | ||
| racky March 8, 2006 12:41 AM PST magpatiwakal? di healthy yon saka isipin mo na lang kung ano ang magiging headline sa mga newspaper ... dahil kay heart ... tumalon (sobrang selos) ...isinisigaw pangalan ni jerico!!! teka, sigurado ka nga bang gf ang hinahanap mo? di mo barkada si rustom? hehehe yan, nadagdagan na naman tuloy ang iisipin mo :D | ||
| edelweiza March 7, 2006 04:25 PM PST sbi nila, pg di daw makatulog, di naligo! wehehehehehehehe. :-) | ||
| naysli March 7, 2006 01:08 PM PST lukin, kaya mo yan! tulad nga ng sabi mo, mabuhay ang mga senti at hopeless romantiks! | ||
| lojika March 7, 2006 01:00 PM PST kaya rock ang background music ko eh... kase senti mga entry ko bka magpatiwakal na rin ako.. nyahahah..lol! di ako sasama sa katangahan mo ='[ | ||
| vemsan March 7, 2006 11:46 AM PST pssst me dalaw ka! ay mali i mean dumalaw lang ako.. hehehe ganda ng bgsound - Lovingly Yours, Helen... heheheheh | ||
| joni March 7, 2006 10:53 AM PST lukin, matanong ko lng, totoo bang buntis si Heart Evangelista? o tsismis lng yun? haha. di na kse ako updated sa latest chika sa showbiz kya baka-sakaling alam mo. :-P haha! sobrang layo ba ng comment ko sa post mo? nabanggit mo kse si Heart eh.. anyway, oist, ayus lng ba tayo jan? magpatiwakal? onga bad yun, wag mong gagawin yun. hehehe. count your blessings daw sabi nila. ;) | ||
| Leave a Comment: |