Entry: Come on! Let’s Join Us! Sunday, March 12, 2006



Note : I’m bored and got nothing to do, yung tineks ko, indi nagreply, amf! So heto uubusin ko oras sa isang mahabang entry.

After naming manggaling ng simbahan kaninang umaga eh ala na akong inatupag kundi ang manood ng DVD habang nakahilata (nuknukan talaga ako ng katamaran ha ha ha), feeling ko nga eh flat na ang mukha ko, 14” na hugis parisukat, lagyan mo lang ako ng antenna at tiyak mapapanood mo na sa aking mga mata ang Channel V at CNN. I don’t have plans to make an entry today, unfortunately bumigay na ang mata ko kapapanood kaya naisipan kong magblog at mag-tsek ng mails. (ayoko muna buksan frenster ko, at sa kung ano mang dahilan, ala ng pakialamanan, akin na lang yun!)

Honga pala, nalagasan ako ng kulang 1k pesoses kahapon, ang inaasahan kong KKB (kanya-kanyang bayad) ay napalitan ng Kailangan Kong Bayaran, Ang inaasahan kong tatlong tao na dadating ay kinompress sa iisang tao lamang. Akala ko tuloy eh para silang si Voltes V na nag-volt in para maging isang malaking robot lamang. Na-alala ko tuloy yung kanta ng Spice Girls na 2 become 1. Eto nga teks nung nag-organize eh -

“Hi mark. As much as I wanted to come. I cnt. Grabe namamaga gums ko. D ko snasadya. Pramis ;-)….”

Ayan, nilagay ko sa blog ko yan para may ibidinsya ako sau sakaling maaksidenteng madelete ko msg mo bwahahaha. D ko snasadya?? Kelan ba kasi pwedeng sadyain ang pamamaga ng gums? Maliban na lang kung plinano mong sumakit ang iyong gums wahahaha. Pero ok lang, pagaling ka agad para sa susunod eh ikaw naman manlibre.

Namiss ko din ang lumabas-labas ng bahay, sa totoo lang taong bahay lang ako kasi nga ala naman akong pera at higit sa lahat, walang manlilibre. Nasa megamol nga ako kahapon, matagal tagal din akong indi nakafonta sa mall na yan, nakakapanibago ha ha ha, para akong probinsyanong estranghero na napadpad sa mataong lugar, meron na palang starbucks sa 4th floor he he he, oo doon naghintay yung kasama ko, palagay ko namuti mata nun kakaintay sa akin samantalang nag-eemote ako sa ibang lugar ha ha ha.

Nasabi ko na bang elibs na elibs ako sa mga pipol below my age? Last time nabanggit sa akin ng opism8 ko na mas bobo daw ang mga 28 years old kesa sa mga newly grad ngayon. Buti na lang 27 pa din ako, at malayo pa bertdey ko, so hindi ako kasama sa mga bobo ha ha ha! Magagaling kasi mga kabataan ngayon na mas bata pa sa akin, madaming alam at agresibo, hindi gaya ko na nabulok sa mundo ng iisang programming language.

Yung kyut na kasama ko sa megamol kahapon (naks! Sipsip agad ha ha ha!), yung namuti ang mata kakaintay sa akin wahahaha, sorry ah, magaling kasi yung nag-organize (bato-bato sa langit ang tamaan ay guilty ha ha ha). Nakakadalawang company na siya tapos yung kaibigan nilang guy eh madami din programming language na alam hay… kainggit. She’s younger than me pero pakiramdam ko mas mature pa siya mag-isip kesa sa akin bwahahaha, pero di bale mas younger looking naman ako wahahaha joke! I really enjoyed the company, sana maulet ulet ng makalimot sa mga bagay bagay he he he. Pero next tym bawal ang na ang may sumasakit ang gums, tapos sana hindi na din mag-iba ang depinisyon ng KKB, tsaka sana off topic ang lablyp he he he (on sekantot, sige pede lablyp na topic).

BTW, napansin ko nga pala, pareho kaming naka-black nung sat ha ha ha. Ala lang, ansaya, feeling ko nakikidalamhati siya sa mga nangyayari sa aking buhay ha ha ha. Teng Q!

P.S. Hindi ko na nilagay names nila at baka magalit he he he. Next tym na lang siguro. Pag hindi na sila ang bida ng entry ko.

   3 comments

kangel
March 13, 2006   08:41 AM PST
 
Ei sige na nga... teka nga pala bago ako magalit sa pagpa-publish ng aking mensahe ng walang pahintulot....ay gusto kong magpasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso...at hala puro positive ang natanggap ko mula sa kaibigan ko...salamat times 10 to the positive infinity.
pero totoo naman yun sinabi ko...wala lang feeling ko di ka naniniwala...hala sige. ok lng..naging masaya ka rin naman at siyemps yung frend ko.. :)
God bless!
vemsan
March 12, 2006   05:57 PM PST
 
masakit daw ang gums? ako din pala. makikipag meet then sasabigin ko di ako makaka punta kasi masakit hintuturo ko (as in daliri)...yuk yuk yuk


sabi ko naman sayo nasa huling biyahe ka na. pahinga ka na kasi... ay hindi pla. hanap ka muna ng sugar momma then rest ka na... ;)
joni
March 12, 2006   02:37 PM PST
 
aba. mukhang nasiyahan ka ah! hehehe. pero bket ganun? walang mga pangalan? ;)

msakit ang gums ha... hmmm... :)

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments