|
(Note : Long interesting entry para sa akin, naaliw lang ako he he he) Just this month kasi eh naglagay ako ng tool sa blog ko, ito yung tipo ng tool na malalaman kung anong IP Address ang uma-access sa blog ko, san sya galing bago sya dumapo sa blog ko, kung anong gamit niya, kung naka-ISP ba sya, DSL or kung ano mang provider ang gamit niya, web tracker ata tawag dun. Hindi naman ganun ka-extensive yung tool kasi medyo general yung ibinabato niya sa akin na data. Heniwei, ang nakakatuwa lang dito ay yung meron siyang parang keyword analysis. May mga tao kasi na nagsesearch sa google at yahoo search tapos napapadpad sila sa blog ko. Hindi ko na nilagay yung mga links kasi malamang eh wala na yun, mabilis kasi magpalit ng popularity rate ang google at yahoo search, heniwei the picture you see below eh yung mga keyword searches na nagamit at napadpad ang mga ka-awa-awang mga nilalang sa aking blag. Ni-capture ko na lang siya. Nakakatawa talaga, lalo na yung “top 10 na tawagan ng magkasintahan”, ala naman akong topic na ganun pero ewan at bakit blog ko ang ibinigay ng search sa kanya bwahaha, ngayon para naman hindi masayang ang pagdapo niya sa blog ko magbibigay ako ng idea.
O hayan, marahil madami pang iba pero di ko na maisip yung iba pang pwede itawag sa kasintahan. Pwede din i-relate sa punungkahoy gaya ng “Narra”, “Machete” at “Plywood” o di kaya eh “Ipil-Ipil”. Kung indi ka pa kuntento, iparehas mo na lang sa ibang bagay gaya ng “Aspalto”, “Yero” o di kaya “Imburnal”. Madami hekshuli, it’s up to you lang naman kung ano yung feel mo na itawag. Meron din nagrere-search ng “Malilibog Na Gwapo”, o yeah! You’ve come to the right place my dear ha ha ha! Ay teka, hindi pala ako gwapo… malibog lang.. sorry ha ha ha! Natawa din ako sa iba pang keywords na ginamit ha ha ha. Gaya na lang nung “Masama Ba Ang Manulot”, wahahaha!!! Masama yun pre!!! Hintayin mo na lang na mag-break sila tapos tsaka ka pumasok sa eksena. Heto pa isang keyword, “Ang Talambuhay Ni Nora Aunor”, gyahahaha!!! Kelan ko pa naging kamag-anak si Superstar??? Henaku! Ha ha ha, josme! Eto pa matindi dyan, yung “Picture at Talambuhay ng mga bayani”, waw! Heavy dude! BAYANI!!! Ampness! Blog ni lukin, isang bayani! Malabong mangyari na ang isang ulirang utu-utong programmer ay maging isang bayani, mas malaki ang chance siguro na isang ulirang uto-utong programmer ay maging isang sawi sa pag-ibig (waaaaaahhhhh****). Heto pa, “Paano pumupunta ang blood sa heart”, he he he, ewan. Pag may time siguro ako explain ko. |
| yourshop.cc December 4, 2008 02:50 PM PST http://www.watchesforsale.us | ||
| sapphirian August 22, 2008 11:18 PM PDT hahaha!!! ok yun ah | ||
| sapphirian August 22, 2008 11:18 PM PDT hahaha!!! ok yun ah | ||
| YmEn February 29, 2008 11:24 PM PST ok lng...mgpost k pow sna bout more tawagan...pra nman my maishare kmi sa mga bf's....ehehehe....tecee!!! | ||
| easel at cherrie ann November 5, 2007 06:17 PM PST mag kuwento ka tungkol sa buhay mo mula pa sa pagkabata mo... | ||
| Name August 8, 2007 12:57 PM PDT hehe kakatuwa nman | ||
| romzkee March 13, 2006 03:25 PM PST kse yung kwd na "heart" prominent sa topics mo... puro heart ache este heart topics kse. :) | ||
| Lady_Dreamer March 13, 2006 03:02 PM PST Wa! ha! ha! ha!...Nakalimutan ko na ang sakit ng ulo ko ngayon kc from d start til end,tawa lang ako ng tawa!!! Hay! ang saya ng blog mo Mr. Pogs! Damang-dama ko yung kakulitan mo...hehehe...Nice entry!!! Keep it up at maraming sakit pa ang gagaling sa blog mo...Rock On!!! Mr. Malibog,ah este Mr. Pogs!.... | ||
| Leave a Comment: |